Pride


Please lang pakibaba ang pride mo.
Binababa ko naman ang pride ko
Lawakan mo naman ang isipan mo
Mahal kita kaya nagpaaba ako sayo


Hiniya mo ako sa harap ng pinagmulan ko.
Nakarinig ako ng masasakit sa aking puno
Akoy bunga lamang na kanilang kinalinga.
Minahal kita kaya tiniis ko sila


Hindi ba minahal kita ng buong pusot kaluluwa
Ikaw dapat ang nakaka unawa sa akin
akala koy uunawain moko sa aking kasukdulan
mahal na mahal kita pero ayaw muna akong sulyapan


Mas pinili mopa na pakinggan ang iyong 
Dakilang kaibigan na may pagnanasa sa iyo
Alam ko naman na pamilya ang turing mo sa kanya
Ngunit minsan ba nagtiwala ka sa akin


Paminsan natural lang na manibugho ako 
kapag nakita ko na may ibang katabi ka sa iyong larawan
Dahil natural lang sa iyo dahil silay iyong kaibigan.
Ngunit kapag itoy nakita ng magulang ko at kapatid matuwa kaya sila,


Huwag kang makisabay sa agos ng panahon
Kasi ikaw ang aking Maria Clara
Kung akoy kabadoyan para sa iyo
Pasensiya kana

Comments